CAMP CRAME – TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na magiging patas sila sa ipatutupad na law enforcement operation laban sa mga personalidad na nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sangkot sa droga.
Ito ay matapos na ihayag ng PDEA na may mga miyembro ng media na kabilang sa narcolist.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt.Benigno Durana, walang pinipili ang batas kahit sino at ano ang katayuan sa buhay ng isang drug suspect ay paiiralin ng PNP ang batas.
Sinabi pa ni Durana na makikipag-ugnayan pa sila sa PDEA upang matukoy ang mga nasa narcolist.
Tiniyak naman ng opisyal na ang narcolist ay dumaan sa validation ng mga intelligence unit ng gobyerno.
Sa ngayon, aniya, anumang law enforcement operations ang kanilang gagawin laban sa mga nasa narcolist ay ipapaalam nila ito sa PDEA. R. SARMIENTO
Comments are closed.