PNP TODO BANTAY SA MGA EVACUEE

PNP

PASIG CITY – UPANG matiyak ang kaligtasan, tutok ang mga tauhan ng Eastern Police District sa mga evacuee na nananatili pa rin sa mga evacuation centers sa Marikina, Pasig, San Juan at Mandaluyong City para matiyak na magiging maayos ang pamamahagi ng mga relief goods.

Base sa monitoring ng EPD, 20 na mga kabahayan ang winasak ng bagyong Ompong habang 37 mga evacuation center ang kanilang tinututukan kabilang ang Pasig na mayroong tatlong evacuation centers.

Kabilang ang Ilaya Covered Court Brgy. Santolan sa Pasig City, Estella Mariz Covered Court sa Brgy. Maybunga, Pasig City, Rosario Elementary School sa Brgy. Rosario Pasig City.

Ang mga nabanggit na mga silungan ay  mayroong 28 pamilya o katumbas ng 155 individuals.

Sa Mandaluyong, 13 ang evac centers, sa Marikina ay may 18,  mayroon din sa San Juan City habang sa Pasig City ay 18 Families o 155 individual ang kanilang binabantayan.

Habang sa Marikina City ay 3,522 Families o katumbas ng 15,594 Individuals kung saan dalawa ang naitalang nasugatan lamang sa hagupit na bagyong Ompong.

Base naman sa monitoring ng Rescue 161 ng Marikina normal naman ang water level sa Marikina river na nasa 14 meters na lamang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.