PNP TOPNOTCHER SA VACCINATION ROLLOUT

NANGUNGUNA ang Philippine National Police (PNP) sa vaccination drive sa bansa.

Sa record, halos limang porsiyento na ng 220,000 PNP personnel ang nabakunahan laban sa COVID- 19.

Mahigit double ito sa national average na 1.5 porsiyento lang, kung saan mahigit 1.7 milyon sa 110 milyong populasyon ng buong bansa ang naturukan sa vaccination campaign ng pamahalaan.

Sa ulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, nasa 11,185 na ang kanilang mga tauhan na naturukan ng unang beses ng bakuna.

Ang 9,185 dito ay tumanggap ng Sinovac, 1,994 ang AstraZeneca, 4 ang Moderna at dalawa ang Pfizer.
Ang 2,437 na pulis naman ang nakakumpleto na ng ikalawang dose ng Sinovac.
Samantala, tuloy-tuloy rin ang mass tes­ting ng PNP sa kanilang mga tauhan at naisalang na sa RT-PCR test ang 135,705 tauhan mula sa 219,602 nilang pu­wersa, o 61.8 porsyento. EUNICE CELARIO

6 thoughts on “PNP TOPNOTCHER SA VACCINATION ROLLOUT”

  1. 191712 670754Admiring the time and effort you put into your website and in depth details you offer. It is good to come across a weblog every once in a while that isnt exactly the same out of date rehashed material. Wonderful read! Ive saved your site and Im including your RSS feeds to my Google account. 720415

Comments are closed.