TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na pinaiiral nila ang mahigpit na monitoring sa private armed groups (PAGs) at iba pang armed groups sa iba’t ibang lalawigan.
Ito ang ipinalabas na impormasyon ng pulisya kahapon bilang babala sa PAGs at armadong grupo lalo na’t ngayong araw ang simula ng campaign period sa mga lalawigan.
Sinabi ni PNP Chief, General Oscar Albayalde, hindi sila titigil hanggang hindi nawawala sa mga probinsiya ang mga panggugulo tuwing halalan gaya ng PAGs at New People’s Army (NPA).
Kahapon ay nagtungo sa Ilocos si Albayalde at binisita ang bawat provincial command kung saan kinakausap ang mga provincial director at mga chief of police upang alamin kung may PAGs o NPA sa kanilang lugar na nasasakupan.
Nagtungo rin ang PNP chief, sa Abra, isa sa mga probinsiya na sinasabing may presensiya ng private armed groups at nasa “category red” ng PNP.
Ayon kay Albayalde, “perrennial” na problema na sa Abra ang papalapit na eleksiyon dahil sa paggamit ng PAGs sa mga politico. EUNICE C.
Comments are closed.