PNP TUTUGON SA APELA NG PMA CLASS 1982 SA LOOT AMBUSH

LOOT

CAMP CRAME – TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, Dir. Gen. Oscar D. Albayalde na kanilang nirerespeto ang naging damdamin ng mga mistah o classmate  ni Daanbantayan, Cebu  Mayor Vicente Loot sa Philippine Military Academy (PMA) Sandigan Class 1982  hinggil sa anila’y pagbabalewala o kabagalan ng imbestigasyon ng pulisya sa pananam­bang sa dating police general at pamilya nito, isang araw bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Cebu.

Sa ulat, nagpahayag ang ilang miyembro ng PMA Class 1982 na dapat imbestigahan agad ang nangyari sa pagtatangka sa buhay ng kanilang classmate na si Loot.

Mayo 13 nang paulanan ng bala si Loot kasama ang misis nito na si Vice Mayor Malou, anak na Cebu Provincial Board Member na si Shun Simora at iba pang miyembro ng pamilya Loot na noo’y kabababa lamang sa pump boat mula sa Malapascua Island at pasakay na sana ng kanilang van.

Ligtas naman ang pamilya Loot subalit sugatan ang isa sa kaniyang bodyguard at ang yaya ng kaniyang apo.

Sa naging press brief­ing sa Camp Crame noong Martes kaugnay sa naging resulta ng paglalatag ng seguridad sa katatapos na halalan, sinabi ni Albayalde na hindi maituturing na may relasyon sa eleksiyon ang pananambang sa pamilya Loot habang ang mga pangyayari at ang lumutang na “Tagalog speaking na suspek”  ay mula aniya sa kampo ng dating police general.

Tiniyak din ni Alba­yalde na hindi nila binabalewala ang nangyari kay Loot kasunod ng hamon sa dating kabaro na ilahad ang nalalaman hinggil sa insidente upang maresolba ang kaso at maproteksiyunan ito.

Tatlong motibo naman ang nakikita ni Albayalde sa pagtatangka kay Loot, una ay posibleng may kaugnayan sa dating alegasyon sa kanya na sangkot sa droga, ikalawa ay may personal itong kaaway at ikatlo ay isyu ng political rivalry.

Ang mga popular na miyembro ng PMA Class 1982 ay sina dating PNP Chief Ricardo Marquez at dating CIDG Director Benjamin Magalong. EUNICE C.

5 thoughts on “PNP TUTUGON SA APELA NG PMA CLASS 1982 SA LOOT AMBUSH”

  1. whoah this blog is fantastic i love reading your articles. Keep up the great work! You know, lots of people are looking around for this info, you could help them greatly. I appreciate, cause I found just what I was looking for. You’ve ended my four day long hunt! God Bless you man. Have a great day. Bye

  2. I am not sure where you are getting your information, but good topic. I needs to spend some time learning much more or understanding more. Thanks for excellent information I was looking for this information for my mission.

Comments are closed.