PNP TUTULONG SA PCSO CAMPAIGN SA ILLEGAL NUMBER GAMES

IKINAGALAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ibinabang kautusan ni Philippine National Police o PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. laban sa illegal number games partikular ang Jueteng.

Kasunod ito ng babala ni Acorda na One Strike Policy sa mga police commander sa buong bansa na mabibigong ipatigil ang sugal na Jueteng at iba pang iligal na sugal sa kanilang area of responsibility.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, nagpapasalamat sila sa pamunuan PNP sa suporta nito sa kanilang kampanya kontra ilegal na sugal sa bansa.

Pahayag pa ni Robles, malaki ang epekto nito sa kita ng PCSO dahil napupunta lamang sa mga gambling lord, illegal gambling operators , bookies ang pera na dapat sana’y para sa kawanggawa at suporta sa mga Pilipino.

Umapela rin si Robles sa publiko na tangkilikin lamang ang kanilang mga palaro tulad ng Lotto, Scratch It at Small Town Lottery na sumusuporta sa mga pagkakawang-gawa ng ahensiya.

Tiniyak naman ni Acorda ipatutupad ng pamahalaan ang mga umiiral na batas na sumasaklaw kontra sa mga ilegal gambling operator ayaw pang ring maglubay sa kanilang illegal activities.
VERLIN RUIZ