MAGIGING abot kamay na sa mga katutubo at mga dating rebelde na naninirahan sa mga liblib na lugar ang mga programa ng Technical Education and Skills Development (TESDA).
Ito ay makaraang lumagda sa memorandum of agreement ang TESDA at Philippine National Police (PNP) nito lamang Hulyo 13, 2020 na naglalayong matulungan ang Indigenous People (IPs) at mga dating rebelde gayundin ang mga naninirahan sa mga liblib na lugar para maipaabot ang education and training program ng TESDA.
Sasanayin ng TESDA ang mga police officer na magtutungo sa remote communities para turuan ang mga residente partikular na sa agrikultura at iba pang technical vocational courses.
Ang MOA ay nilagdaan nina TESDA Secretary Isidro Lapeña at PNP Chief General Archie Francisco Gamboa.
Aminado si Lapeña na kulang ang kanilang trainers at training schools kaya hindi napupuntahan ang far-flung communities at sa tulong ng PNP ay matutugunan na ito.
“With this arrangement, the government can train more of our special clients and develop their skills for employment or livelihood, and uplift their quality of life and their communities,” ani Lapeña.
Idinagdag pa nito, malaking tulong ang nasabing hakbangin na magbibigay ng panibagong oportunidad sa mga katutubo at rebelde na makatulong para maingat ang kanilang pamumuhay.
“May you keep in mind the Global Competitiveness and Workforce Readiness; and Social Equity for Poverty Reduction. Skills trainings are meant to capacitate people to find new paths for development among themselves, their families, and their community as a whole. Education and training can create those new paths, and we need capable trainers to deliver them,” diin ni Lapeña.
Naniniwala naman si Gamboa na ang pakikipagtulungan ng PNP sa TESDA ay napapanahon lalo na ngayong patuloy ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng nakararaming Pinoy. LIZA SORIANO
Comments are closed.