PNP UMALMA SA PAGKAKULELAT NG PH SA “WORLD’S SAFEST COUNTRIES”

PUMALAG si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa inilabas na ranking ng international monthly magazine Global Finance na “World’s Safest Countries”.

Sa naturang ranking nasa pinaka-mababang puwesto ang Filipinas sa 134 na bansa sa listahan.

Ayon kay Eleazar, ang ranggo ng Filipinas sa naturang listahan ay hindi tumutugma sa istatistika ng PNP.

Sa katunayan, aniya ay bumaba ng 63 percent ang index crime o mga pangunahing krimen na naitala sa nakalipas na limang taon ng kasalukuyang administrasyon, kumpara sa nakalipas na limang taon ng nagdaang admi­nistrasyon.

Maliban dito, mas tahimik na umano ang mga komunidad.

Kasama sa naging factor sa ranking ang war and peace; personal security; at natural disaster risk, pati na “unique risk factors” pagdating sa COVID-19.

Gayunpaman, sinabi ni Eleazar na itinuturing ng PNP ang pangungulelat ng Filipinas sa report ng World’s Safest Countries bilang hamon para pagbutihin pa ang kanilang trabaho bilang law enforcer. EUNICE CELARIO

10 thoughts on “PNP UMALMA SA PAGKAKULELAT NG PH SA “WORLD’S SAFEST COUNTRIES””

  1. 872422 287514To your organization online business owner, releasing an important company will be the bread so butter inside of their opportunity, and choosing a fantastic child care company often means the certain between a victorious operation this really is. how to start a daycare 340490

Comments are closed.