CAMP CRAME – PINAKIKILOS na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga unit na may direktang alam para makatulong sa Department of Health (DOH) para makaiwas ang mga Filipino sa nakahahawang coronavirus na nagmula sa Wuhan, China.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac, ang mga PNP Units na mayroong chemical, biological, radiological, nuclear and high yield explosives capability partikular na ang Special Action Force (SAF), Crime Laboratory at Health Service ang pinakikilos ng pamunuan ng PNP para magsilbing frontliners.
Sinabi ni Banac nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa DOH para malaman ang kanilang mga gagampanan sa gagawing inisyatibo ng pamahalaan para maingatan ang mga Filipino laban sa nakakahawang sakit.
Giit ni Banac may kakayanan at kagamitan ang PNP para harapin ang health problem lalo na’t taong 2003 at 2015 ay una nang nagkaroon ng health emergencies sa bansa dahil sa SARS at MERSCO.
Sa ngayon tiniyak ni Banac na walang miyembro ng PNP ang nagpositibo sa coronavirus.
Sakali aniyang may may pulis na may sintomas ng nasabing sakit, dadalhin aniya ito sa Camp Crame para agad mabigyan ng medical attention. REA SARMIENTO
Comments are closed.