CAMP CRAME -BUBUO pa lamang ang Philippine National Police (PNP) ng guidelines para maging gabay ng mga pulis sa pagpapatupad ng panghuhuli sa mga tambay sa mga kalsada.
Ito ay kahit nagsimula na ang operasyon ng PNP kontra tambay nationwide.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na tutukan ang mga tambay sa kalsada na nagiging dahilan umano ng nagaganap na krimen sa isang lugar.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang Directorate for operations ang tututok sa pagbuo ng guidelines.
Sa pagbuo aniya ng guidelines pagaaralan ng PNP ang mga local ordinance na may kinalaman sa panghuhuli ng tambay at ilalagay rin sa guidelines ang mahigpit na paalala sa mga pulis na iwasang gumawa nang anumang hakbang na lalabag sa karapatang pantao
Tiniyak naman ni Albayalde na ngayong linggo ay matatapos ang guidelines
Sa nakalipas na limang araw na operasyon kontra tambay nakahuli na ang PNP ng 2981 na mga indibidwal na umanoy tambay sa National Capital Region. R. SARMIENTO
Comments are closed.