NANANATILING ligtas sa bagong variant ng COVID-19 na Omicron ang Philippine National Police (PNP).
Ito ay dahil Walang naitalang bagong kaso ng virus sa police force sa halip dalawa pang pasyente ang nakarekober.
Batay sa datos ng PNP-Health Service hanggang kahapon, Disyembre 27, na sa 42,248 kabuuang kaso, 42,112 na ang gumaling sa nasabing sakit.
Hindi pa rin nadadagdagan ang 125 na nasawi sa sakit simula noong Nobyembre 10.
Samantala, umabot na sa 401,672 ang na-administer na bakuna sa mga pulis kung saan 214,958 cops ang fully vaccinated habang ang natitirang 9,426 pulis ay isang dose pa lamang natatanggap na bakuna.
Nasa 1,726 pulis pa ang hindi nababakunahan kung saan ang 714 sa kanila ay mayroong medical condition at 1,012 ay nangangamba o ayaw magbakuna dahil sa paniniwala. EUNICE CELARIO