‘NO day off policy’ ipapatupad ng Philippine National Police sa pagsisimula ng Simbang gabi bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad ngayon Kapaskuhan.
Ayon sa pamunuan ng PNP, kanselado ang day off ng kanilang mga tauhan simula Disyembre 15 hanggang ika-12 ng Enero na sasaklaw hanggang sa Feast of Black Nazarene, Enero 9, 2025.
Ayon kay PNP Public Imformation Office chief BGen. Jean Fajardo ngayon pa pa lamang pinaghahandaan na ng PNP ang panahon ng Kapaskuhan.
Ayon pa sa heneral, bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang puwersa dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa paliparan, pantalan, simbahan, malls, mga pasyalan, at iba pa.
Itataas din ng PNP sa Heightened Alert ang kanilang status para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahong ito.
Ito ay sa likod ng naitalang pagbaba ng mahigit 21% ang mga naitalang krimen sa bansa buhat nang magsimula ang Ber months ngayong taon mula sa mahigit 25% sa kaparehong panahon noong isang taon.
VERLIN RUIZ