SA tamang proseso ang Philippine National Police (PNP).
Ito ang pa ninindigan ng liderato ng PNP at iginiit na nagtatrabaho sila nang walang kinikilingan
Reaksyon ito ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos matapos na muli silang batikusin matapos ibasura ng korte sa La Union ang kaso laban sa anak ng negosyante na si Julian Ongpin.
Ayon kay carlos, walang mayman o mahirap sa pagtrato nila sa kaso
Kung may ebidensya aniya, ginagawa nila ang lahat para maparusahan ang dapat maparusahan.
Giit pa ng PNP chief, malawak ang sakop ng justice system sa bansa at ang PNP ay tagapagpatupad lamang ng batas.
GayunMan, aminado si carlos na may mga pulis din talagang nagkakamali subalit hindi nila ito binabalewala at agad silang nag-uutos ng automatic revieew sa kaso.
Una na ring binatikos ng ina ng artist painter na si Bree Jonson ang PNP dahil sa mistulang pagiging incompetent o mahina dahil sa dalas na mabasura ang mga inihahain nilang kaso. EUNICE CELARIO