WALANG naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mahigit 220,000 puwersa ng Philippine National Police.
Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong Huwebes, kung saan 42,240 ang total confirmed cases ng coronavirus.
Habang umabot na sa 42,090 ang mga nakaligtas sa sakit matapos madagdagan ng tatlong new recoveries.
Nananatili naman sa 125 ang mga binawian ng buhay sa PNP.
Habang mula 28 kahapon, bumaba sa 25 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.
Sa ngayon, umabot na sa 213,924 police personnel o 94.86 percent ang fully vaccinated kontra coronavirus. REA SARMIENTO