PNPA AT NPTI ILILIPAT SA PNP

MALAPIT  nang mapasailalim sa Philippine National Police (PNP) ang Philippine National Police  Academy (PNPA) at ang National Police Training Institute (NPTI).

Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8628 na layong ilipat sa PNP mula sa Philippine Public Safety College (PPSC) ang PNPA at NPTI kung saan mapasasailalim na ito sa direktang superbisyon at operational control ng PNP Chief.

Layunin ng panukalang inihain  nina Representatives Leopoldo Bataoil at  Gary Alejano na maitaas ang standard training ng mga commissioned at non-commissioned officers.

Ang PNPA na  premier institution ng police education at pinagmumulan ng mga commissioned officers ay pamumunuan ng PNPA Director na may ranggong Police Director habang ang NPTI na siya namang nagsasagawa ng mandatory leadership trainings sa lahat ng mga non-commissioned officer ay pamumunuan naman ng Director na may ranggong Police Director.

Kasama ring ililipat ng PPSC sa PNP ang lahat ng personnel, properties, facilities, records, equipment, funds, rights, liabilities, at iba pang assets ng PNPA at NPTI.

Pinabubuo rin ng five-year transition plan ang DILG, Napolcom at PPSC Board of Trustees para sa maaayos na pag­lilipat ng dalawang institusyon sa PNP.

Ang Napolcom naman ang bubuo ng rules at regulations kasama ang PNP, PPSC at DILG para sa pagpapatupad ng batas.            CONDE BATAC

Comments are closed.