PNPA CADETS NAKAALERTO SA MASSIVE IMMUNIZATION PROGRAM

NAGHAHANDA na ang Philippine National Police Academy (PNPA) para maging bahagi ng Philippine Vaccination Program o ng massive immunization program ng pamahalaan para bakunahan kontra COVID-19 ang lahat ng Filipino.

Ang paghahanda ay bilang tugon ng aka­demya sa naging kautusan ng Philippine National Police (PNP) bilang miyembro naman ng Task Groups Cold Chain and Logistics Management and Immunization Program.

Una nang binuo ang PNP Vaccination Plan “Caduceus” na naglalayong maglaan ng istratehikong direksyon o gabay para sa mga aktibidad, programa at operasyon na susuporta sa pamamahagi o rollout ng bakuna alinsunod naman sa National Plan na binalangkas ng Inter-Agency Task Force.

Sa statement ng PNPA, ipinaliwanag ang terminong Caduceus na isang personahe sa Greek mythology at sa operasyon ng PNP ito ang makabagong simbolo ng medisina.

Kabilang naman sa mga magiging papel ng kadete ng PNPA ay maging bahagi ng security plan o aagapay sa seguridad ng deployment ng bakuna sa malalayong lugar.

Pinaboran naman ng mga magulang ng kadete ang pagiging bahagi ng kanilang anak sa PNP Vaccination Plan Caduceus upang wakasan na ang pandemya dulot ng COVID-19.
EUNICE CELARIO

One thought on “PNPA CADETS NAKAALERTO SA MASSIVE IMMUNIZATION PROGRAM”

Comments are closed.