PNPA CADETS WAGI SA KUMPETISYON SA INDONESIA

NAIUWI ng mga kadete ng Philippine National Police Academy ang kampeonato sa International Police Academy Competition sa Jakarta, Indonesia.

Ang PNPA Cadets ay pinalakpakan sa “2021 Porsimaptar International Conference on Policing Research Competition” na isinagawa mula Oktubre 18 hanggang Oktubre 22, 2021 kung saan ang Indonesia National Police Academy ang host.

Nanalo ang kanilang Research na may titulong “Three-Factor Structure for Youth Engagement in Community Policing during the New Normal,” laban sa 13 iba pa.

Nakasentro ang pag-aaral kung paano magtulungan ang Police at mga kabataan sa pagpapanatili ng Kapayapaan sa isang Komunidad sa panahon ng New Normal dulot ng Pandemya.

Kasama sa Team ang mga kasapi ng ALAB-KALIS Class of 2022 na binunuo nina Cadet 1C Zoe Seloterio, Cdt 1C Maricar Tapiru, Cdt 1C Lyndon Mondragon, Cdt 1C John Mark Maandal at Cdt 1C Fidel Triste III.

Nakuha naman ang second place sa International Speech Competition si Cdt 1C Crizaldo Barcarse Jr., habang si Cdt 1C Augustine Jaluague, ay 3rd place sa kaparehong Category.

Nagsilbing Advisers sina PLTCOL Roan Marie Bascugin, Dr. Myrna M. Campomanes at Dr. Jezamine R. De Leon.

8 thoughts on “PNPA CADETS WAGI SA KUMPETISYON SA INDONESIA”

  1. 279209 67284Of course like your web site but you require to check the spelling on several of your posts. Several of them are rife with spelling problems and I uncover it really bothersome to tell the truth nevertheless Ill surely come back again. 732162

  2. 388865 479309I agree with most of your points, but a couple of require to be discussed further, I will hold a small speak with my partners and possibly I will appear for you some suggestion soon. 245802

Comments are closed.