PNPA NAGBABALA VS POSERS AT SCAMMER

BINALAAN ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang publiko lalo na ang nais pumasok sa nasabing akademya laban sa isang lalaking nagpakilalang heneral nag-aalok ng assistance for PNPA application.

Sa official Facebook page ng nasabing police state academy nitong Hulyo 30, pinaiiwasan ang makipagtransaksyon sa mga nagpapakilalang nagtapos sa PNPA at kabilang sa ibinabala ang nagpakilalang General Eddie Sin-Ayon.

Ang nasabing lalaki ay maraming FB accounts at nagpapakilalang miyembro ng PNPA Class 1993 na hindi naman totoo.

Gayunpaman, ang lalaki ay napag-alamang isang striker sa Pangantukan Municipal Police sa Bukidnon.
“Please be informed that this man with multiple FB Accounts introducing himself as “GENERAL EDDIE SIN-AYON” is NOT a member of PNPA Class 1993 and is NOT in any way connected to PNPA,” bahagi ng babala ng PNPA.

Pinag-iingat din ang publiko na makipagtransaksyon sa nasabing ‘poser’ lalo na’t kung sangkot ang solicitation o panghihingi ng pera.

“The public is hereby warned not to engage in any form of transaction (especially involving money) such as but not limited to selling of “review materials,” “assistance in PNPA application,” etc. with this poser.

In the meantime, we will be bringing the matter to the appropriate PNP Unit for further investigation and, if possible, filing of appropriate criminal charges against him,” ayon pa sa babala ng akademya laban sa nasabing poser.

Sinabi naman ni Lt. Col Louie Gonzaga, spokesperson ng PNP na nagpapakilala si Sin-Ayon bilang director general at minsan ay inspector.

‘He introduce himself as a director general kaya lang may catch ‘dun police director general na at same time inspector sabi ko nga sa atin na nakakaintindi alam natin that something is off with that individual pero sa mga kabataan dyan ibang tao parents na hindi masyadong aware sa rank system natin ‘yun iniiwasan natin na baka mamaya darating pa dun sa punto na hihingin sila ng kung ano diyan pera,” ani Gonzaga. EUNICE CELARIO