PNPA PUSPUSAN ANG MONITORING VS HAZING

PNPA

CAVITE- KASABAY ng paghahanda para sa admission test ng magiging bagong batch ng mag-aaral sa susunod na taon, ang puspusang monitoring sa kasalukuyang kadete o mag-aaral lalo na ang plebo sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Castaneda, Silang sa lalawigang ito.

Ayon kay PNPA Director BGen. Eric E. Noble, upang mapangalagaan ang mga kadete na inaasahang susunod na mga lider ng bansa, pinaigting pa nila ang paghuhulma sa disiplina.

Kasabay ng pagkatuto ng mga ito mga aralin gayundin ang kaalaman sa kapatang pantao.

Aniya, hindi lang dapat mahusay sa mga aralin, kundi ang mga disposisyon at pagrespeto upang hindi na bumuo ng anumang samahan na nag-uudyok para magkaroon ng initiation rites o hazing.

Sinabi pa nito, bagaman naging abala sa screening sa PNPA Cadet Admission Test at ngayon ay para naman sa examination, prayoridad pa rin ang monitoring para hindi makalusot ang hazing.

“Constant monitoring and indoctrination on human rights and honor system,” diin ni Noble.
EUNICE CELARIO