PNR CLARK, CALAMBA TRAINS DARATING SA DISYEMBRE

Art Tugade

DARATING na sa Disyembre ang mga tren para sa North-South Commuter Railway (NSCR) project ng Department of Transportation (DOTr) at ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay DOTr Secretary Art Tugade, mauunang darating sa mga tren ang simulator na gagamitin para sa training ng mga operator.

“’Mayroon tayong lugar na tinatayo ng DOTr na paglalagyan ng simulator. Ito ang gagamitin para sa training ng mga taong magpapatakbo at gagabay sa proyektong ito. Handa na ‘hong dumating ang mga simulator ng September o October,” wika ni Tugade, na binisita ang Valenzuela at Bulacan segments ng NSCR project nitong linggo.

Matapos ang apat na pagtatangka na itayo ang proyekto, ang PNR Clark Phase 1 project ay nasimulan lamang sa pag-upo ng administrasyong Duterte.

Sa kasalukuyan, ang konstruksiyon ng rail project ay 45.82 percent nang kumpleto.

Binuo noong 1993 at pinondohan ng Japan International Cooperation Agency, ang PNR Clark Phase 1 Project ay isang 38-kilometer railway na tatakbo mula Tutuban Station sa Manila, hanggang sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela at sa mga bayan ng Meycuayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at magtatapos sa  Malolos City, Bulacan.

Samantala, ang PNR Clark Phase 2 (Malolos – Clark) ay isang 54-kilometer rail line na tatampukan din ng kauna-unahang Airport Express sa bansa, na inaasahang magpapabilis sa biyahe mula Clark International Airport sa Pampanga patungong Makati City sa loob ng isang oras.

Naisantabi sa loob ng dalawang dekada, ang PNR Clark Phase 2 Project ay 28.79 percent nang kumpleto sa kasalukuyan.

Bahagi rin ng PNR NSCR Project ang PNR Clark Phase 3 Manila – Calamba section.

Ang NSCR Project ay bahagi ng flagship ‘Build Build Build’ infrastructure development program ng administrasyong Duterte na naglalayong magkaloob ng episyenteng mass transportation at mag-udyok ng  economic activities.

109 thoughts on “PNR CLARK, CALAMBA TRAINS DARATING SA DISYEMBRE”

  1. п»їMedicament prescribing information. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    get cheap propecia
    Read information now. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  2. Everything information about medication. п»їMedicament prescribing information.
    https://canadianfast.com/# how to get prescription drugs without doctor
    Commonly Used Drugs Charts. Everything information about medication.

Comments are closed.