PNR EXT ITINATAYO NA, BIYAHENG TUTUBAN-MALOLOS

PNR

ISINAGAWA kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang groundbreaking para sa Phase 1 ng Philippine National Railways (PNR) system ng administrasyong Duterte, na magdurugtong sa Metro Manila sa Clark Field, Pam-panga.

Ang first phase ay ang biyaheng Tutuban sa Maynila patungong Malolos City, Bulacan.

Ang groundbreaking ceremony ay dinaluhan nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Undersecretary Timothy John Ba-tan, PNR General Manager Junn Magno, Japanese Ambassador Koji Haneda, at Japan International Cooperation Agency (JICA) country representative Yoshio Wada.

Ayon kay Batan, ang 37.6-kilometer elevated mass railway transportation system ay may kabuuang halaga na P149 billion, kung saan P93 billion dito ay popondohan ng JICA.

Ang proyekto ay may kabuuang 10 stations na kinabibilangan ng Tutuban, Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at Malolos.

Sinabi ni Tugade na ang proyekto ay inaasahang magpapabilis sa travel time sa pagitan ng Manila at Bulacan sa 35 minuto mula sa isa at kalahating oras sa sandaling maging fully operational ang riles.

Tinatayang mahigit sa 300,000 pasahero ang maseserbisyuhan ng railway project araw-araw.

Ang PNR Tutuban-Malolos line ay inaasahang matatapos sa 2021 at magiging fully operational sa 2022.

Tiniyak naman ng DOTr ang pagpapatupad ng angkop na resettlement program para sa tinatayang mahigit sa 300 informal set-tler families na maaapektuhan ng proyekto.

Inaprubahan ng ahensiya ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa Caloocan at Manila, Valenzuela at Guiguinto para sa  Bulacan areas sa PNR, National Housing Authority (NHA), Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at local government units (LGUs) para sa relocation at resettlement ng informal settler families na mahahagip ng proyekto.

“The PNR Tutuban-Malolos line will also be seamlessly integrated with the PNR Malolos-Clark project and the PNR South Commuter, Manila to Calamba, Laguna Project, forming one integrated commuter railway system that will serve commuters travelling to, from, and within NCR, Region III, and Region IV-A,” dagdag pa ng DOTr.

Comments are closed.