PLANONG ipagbawal ng Philippine National Railways (PNR) ang paggamit ng skates bilang uri ng transportasyon sa mga residenteng nakatira sa paligid ng riles ng tren. Ito ay ipinahayag sa isang press conference ng PNR na naglalayong masiguro ang kaligtasan ng publiko kasunod ng mga insidente sa mga riles.
Ayon sa PNR management, hakbang ito upang maiwasan ang mga posibleng sakuna, lalo na sa mga lugar kung saan madalas dumaan ang mga tren at mga sasakyan.
Ang paggamit ng skates ay naging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga residente partikular na sa Camarines Sur, lalo na sa mga estudyante at mga nagtatrabaho na gumagamit nito upang magdala ng mga produkto at makarating sa mga lugar na hindi naaabot ng mga tradisyonal na sasakyan.
Hindi naman pabor ang ilang residente sa planong ito.
Ayon sa isang para-skates, maraming maaapektuhan kung tuluyang ipagbabawal ang paggamit ng skates.
Aniya, hindi naman sila naglalakbay kasabay ng schedule ng tren at ito lamang ang transportasyong abot-kaya at magagamit upang makarating sa mga liblib na lugar.
Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung kailan sisimulan ang implementasyon ng nasabing pagbabawal.
RUBEN FUENTES