INATASAN ang Philippine Coast Guard (PCG) na magtalaga ng K-9 units at bantayan ang seguridad ng lahat ng railway systems sa Metro Manila.
Sinabi ni PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr., nakahanda ang kanilang hanay sa pagbibigay ng suporta upang patibayin ang seguridad sa rail networks kasunod ng direktiba ng Department of Transportation (DOTr) bunsod ng naganap na twin suicide bombing sa Jolo Sulu.
“The PCG K9 teams are ready to assist the security forces of these rail lines to deter and/or neutralize threats through higher visibility, enhanced response time, and to make the commuter riding experience more secure. We, however, ask for the public’s cooperation in this endeavor. Rest assured that the Coast Guard will remain selfless and committed in protecting the riding public against the danger of terrorism,” giit ni Ursabia.
Ayon kay Ursabia, nasa kabuuang 40 K9 units ang itatalaga sa mga istasyon at pasilidad ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR) para sa mas mahigpit na security measures.
Kabilang sa K9 units ang K9 handlers, working dogs,veterinarians at explosive ordnance disposal specialists na kung saan ay suportado rin ito ng operations officers at quick response teams.
Nauna nang iniutos ng (DOTr) sa PCG na palawigin ang deployment ng K9 units sa lahat ng railway facilities at stations sa Metro Manila dahil na rin naganap na pagsabog sa Jolo na kumitil ng 15 katao kabilang ang walong sundalo at isang pulis.
Ani Transportation Secretary Arthur Tugade,mahalagang maprotektahan ang mga pasahero laban sa banta ng terorismo.
“It is vital that we protect passengers from the threat of terrorism, even as we try to maintain public transportation operations amid the pandemic. This is where the expertise and training of the PCG K9 units will prove most effective,” pahayag ng kalihim. VERLIN RUIZ
Comments are closed.