MULING bubuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang Naga-Legazpi route ngayong December 27.
Sa post ng PNR sa Facebook, magkakaroon ng apat na biyahe araw-araw mula Naga City, Camarines Sur patungong Legazpi City, Albay at vice versa.
Ang mahigit sa 100 kilometer route ay dadaan sa Kidaco Bridge sa Daraga, Albay.
Sa muling pagbubukas ng ruta, sinabi ng PNR na bubuksan nito ang tatlong bagong istasyon sa Travesia, Daraga, at Legazpi.
Ang PNR trains ay hihinto sa Naga, Pili, Iriga, Polangui, at Ligao Stations.
Ayon sa PNR, magkakaroon din ng walong flag stops sa Baao, Lourdes, Bat, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.
Ang pamasahe para sa naturang ruta ay maglalaro sa P15 hanggang P155. May discount naman ang senior citizens, students at persons with disability.
Ang Naga-Legazpi route ay muling bubuksan makaraang itiigil ng PNR ang operasyon nito, anim na taon na ang nakalillipas dahil sa kawalan ng train coaches at locomotives.