ISINAGAWA ng Philippine National Railways (PNR) sa pakikipagtulungan sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) – Naga City ang tatlong araw na training tungkol sa basic life support and standard first aid sa Naga City, Agosto 20-22.
Sa unang araw ng aktibidad, tinuruan ang mga dumalo sa pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) para sa mga matatanda, bata at sanggol.
Natutunan din nila kung paano gumamit ng automated external defibrillators (AED) para sa mga cardiac emergencies and kung paano pangasiwaan ang foreign body airway obstruction.
Sa pangalawang araw, tinuruan ang mga dumalo kung paano bendahan ang mga sugat at gasgas sa wastong paraan.
Ang pangunahing layunin ng aktibidad ay bigyan ng mahalagang kasanayan ang mga tauhan ng PNR upang epektibong makapagresponde sa mga mga sakuna at emergencies, partikular sa lugar ng kanilang trabaho.
Kasama sa aktibidad kung paano pinangangasiwaan ang mga bali sa katawan, paggamot sa mga paso at paglilipat nang ligtas sa mga pasyente mula sa delikadong lugar.
Pinangunahan ito ng PNR Administrative and Finance Department (AFD) at Gender and Development (GAD) at dinaluhan ng mga tauhan ng PNR na naka-istasyon sa Bicol South Line.
RUBEN FUENTES