PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama si Transportation Secretary Art Tugade sa pagbubukas ng Philippine National Railways ( PNR) San Pablo-Lucena Inter-provincial Commuter Service kahapon ng umaga.
Nabatid na ang pagbubukas ng PNR San Pablo-Lucena ay bahagi ng rail line’s expansion program para sa 2022 kung saan ay palalawakin ang PNR’s train service sa Region 4.
May 44- kilometrong layo ang San Pablo-Lucena line at may 2 main stations at 4 flag stops kung saan bibigyan ng serbisyo ang apat na munisipalidad at isang lungsod sa lalawigan ng Laguna at Quezon.
Sa pamamagitan ng inter-provincial commuter service, travel time sa pagitan ng San Pablo sa Laguna at Lucena City sa Quezon ay magiging 30-minutes na lang mula sa one-hour travel time.
Magbibigay ng paglago sa turismo at ekonomiya sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon at karatig lalawigan ang pagbubukas ng San Pablo-Lucena line kung saan isa ito sa programang naibigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Filipino people na mas komportable at convenient life.
Magugunita na ang nasabing linya ng PNR commuter service ay natigil ng operasyon noong 2013 matapos mag-collapse ang supporting structure.
Nang mag-assumed ang Duterte administration noong 2016, aabot lang sa 36 ang PNR operating stations at 93 kilometro ng railways kung saan ang pagbubukas ng San Pablo-Lucena line ay nag-expand ng 52 operating stations at 154 km. railways na nagseserbisyo sa Metro Manila, Laguna, Quezon, at Camarines Sur. MHAR BASCO