HINDI lamang bato ang inihahagis ng ilang mga naninirahan sa tabing riles at iba pang slum areas kundi maging dumi ng tao ay inihahagis sa mga dumaraang tren.
Ito ang reklamong ipinahahatid ng mga mananakay ng Philippine National Railways sa Philippine National Police, Department of Transportation at maging sa Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ito umano ang dahilan kaya laging nakasara ang mga bintana ng mga tren na bumibiyahe sa Metro Manila at maging sa mga lalawigan sa katimugan.
Kaugnay nito ay nakiisa ang Department of Transportation (DOTr) sa Philippine National Railways (PNR) sa pagkondena sa mga insidente ng pambabato o paghagis ang sari-saring bagay sa mga tren.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagaawaran na nakikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad para imbestigahan at pananagutin ang responsable rito.
Nilinaw pa ng pamunuan ng DOTr, ang mga tren ay pag-aari ng mga Filipino na dapat na sama-samang ingatan ng sambayanan.
Nanawagan ang kagawaran na dapat ding tumulong ang publiko para mapanatiling maayos, malinis at maproteksiyunan ang mga tren na mag-agamit ng mga residente.
Nakagagambala anila na apektado ng mga napapaulat na insidente ang operasyon ng tren bukod sa peligro na posibleng idulot nito sa publiko hindi lamang sa mga mananakay.
Sa tala ng DOTr, mula Disyembre 2 hanggang 21, umabot na sa 14 ang bilang ng insidente ng pamamato sa tren ng PNR.
Mabuti namang hindi kabilang sa naitalang insidente ang mga bagong tren mula sa Indonesia.
Hiniling ng DOTr ang kooperasyon ng publiko sa pagre-report sa mga pulis sa mga mapanganib na insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.