PNVF NATIONAL U18 SPIKEFEST BINUHAY

Volleyball

IDARAOS ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang First PNVF National U18 Championships for Boys and Girls sa Pebrero at Marso, ayon kay federation president Ramon “Tats” Suzara.

“This is to reactivate the grassroots and age-group competitions which will also be basis of the selection of national age-group teams,” sabi ni Suzara.

Ang joint tournament ay gaganapin sa Pebrero 17, 18, 19, 24, 25 at 26 at Marso 3, 4, 5, 10, 11 at 12 sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila at the PhilSports Arena sa Pasig City.

Para sa mga katanungan at registration, maaaring bumisita sa PNVF website http://volleyballphilippines.com/.

Ang huling pagkakataon na idinaos ang inter-secondary U18 tournament ay noong kilala pa ang PNVF bilang Philippine Amateur Volleyball Association, ilang dekada na ang nakalilipas.

Ang PNVF ang pinakaabalang national sports association noong 2022 kung saan nag-host ito ng major international competitions—Men at Women leg ng Volleyball Nations League (VNL) noong nakaraang Hunyo sa Smart Araneta Coliseum, Asian Volleyball Confederation Women’s Cup noong nakaraang Agosto at Champions League noong Nobyembre kapwa sa PhilSports Arena at ang Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Subic noong nakaraang buwan kung saan nagwagi sina Sisi Rondina at Jovelyn “Gonzaga ng gold at Genesa Jane “Jen” Eslapor at Floremel Rodriguez ng silver.

Nakatakda rin ngayong 2023 ang VNL sa Mall of Asia Arena sa Hulyo at ang Champions League sa Nobyembre. Sinelyuhan din ng PNVF ang training partnership sa Japan Volleyball Association para sa indoor at beach volleyball.