PNVF: PVL INVITATIONAL CHAMPION KAKATAWAN SA PH SA AVC CUP FOR WOMEN

Ang kampeon sa nagpapatuloy na Premiere Volleyball League (PVL) Invitational Cup ang magiging kinatawan ng bansa sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women na magsisimula sa loob ng dalawang linggo sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nagpasya ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Linggo ng umaga na isabak ang PVL Invitational champion, sa halip na ang 14-member young national team, kabilang ang 12 players mula sa National University (NU) varsity squad.

Opisyal na ipinagbigay-alam ng PNVF, sa pamamagitan ng presidente nito na si Ramon ‘Tats’ Suzara, kay NU president Dr. Carlos Ermita Jr. ang kaganapan sa isang email kahapon.

“We are now writing to inform your good office , though with much regret, that we shall be releasing the NU student-athletes and coaches from the National Training Program, effective today [Sunday], 7 August 2022,” pahayag ng PNVF sa liham nito kay Ocampo.

“We have been compelled to make this difficult yet important decision due to the recent turn of events within the team’s training schedule and corresponding availability. We feel that the said student-athletes and coaches, alongside the team manager Engineer Bing Diet, may not be able to commit to perform at their best level given a number of restrictions and conditions that hinder the continuous conduct of training and overall program,” ayon pa sa PNVF.

Dagdag pa ng federation: “However difficult it may have been, please trust that with this decision, we have considered to serve only the best interests and utmost welfare of the student-athletes, the coaches, the university management, the national team program, while keeping aligned with PNVF’s strategic goals as a National Federation, fully responsible and accountable for the sport of volleyball in the Philippines.”

Ang pinakawalang NU Lady Bulldogs ay sina Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Shaira Jardio, Evangeline Alinsug, Cess Robles, Sheena Toring, Jen Nierva, Nicole Mata, Alyssa Solomon, Camilla Lamina, Kamille Cal at Joyme Cagande.

Ayon kay Suzara, hihilingin ng PNVF sa PVL Invitational champion na isama ang dalawang non-NU players sa national team—Jelai Gajero ng California Precision Sports at Trisha Genesis ng Akari— bilang ika-13 at ika-14 na player sa lineup nitoz

Ang reorganization ng national team sa AVC Women’s Cup ay isinagawa isang araw makaraang ianunsiyo ang bumubuo sa koponan na kinabibilangan ng collegiate players.

Pumayag si PVL president Richard “Ricky” Palou, na siya ring PNVF treasurer, gayundin ang management ng potential winners ng Invitational, na ipahiram ang kanilang players para sa AVC Cup event na nakatakda sa August 21-29.

Ang PVL Invitational ay kasalukuyang nasa semifinal stage kung saan nangunguna ang Creamline na may 2-0 won-lost card, kasunod ang PLDT (2-1), Cignal (1-1) at Army (0-3).

Nakatakda sanang palitan ng national women’s team ang Kobe Shinwa Women’s University ng Japan, na umatras sa torneo dahil sa COVID-related issues.

Nakatakda sanang makasagupa ng national women’s team ang league-leader Creamline ngayon, ang Army-Black Mamba bukas at ang Cignal sa Miyerkoles kung saan ang kanilang stint ay inaasahang hahasa sa kanilang kasanayan para sa AVC joust.

Naglabas ang liga ng revised schedule para sa doubleheader ngayong araw kung saan sasalang sa unang pagkakataon ang Chinese-Taipei’s KingWhale kontra Army-Black Mamba Monday sa alas-2:30 ng hapon na susundan ng inaabangang duelo sa pagitan ng Creamline at ng Cignal sa alas-5:30 ng hapon.