APAT na girls matches at tatlo sa boys’ side ang magbubukas sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championships ngayong Biyernes sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.
Sisimulan ng Parañaque Green Berets at New Gen. Sta. Cruz, Laguna ang aksiyon sa girls’ Pool A match sa alas-10 ng umaga, na susundan ng fParañaque Thunderbolts Volleyball Club-Gracel Christian College Foundation duel sa Pool B sa alas-11:30 ng umaga.
Maghaharap ang Marikina Titans Volleyball Club at California Precision Sports (CPS) sa ala-1 ng hapon sa Pool C, habang magsasalpukan ang Team Hiraya (Angono, Rizal) at Volida Volleyball Club para kumpletuhin ang girls’ competitions sa alas-2:30 ng hapon.
Ang boys’ hostilities ay sisimulan ng Justice CM Palma High School at Team Makati duel sa alas-4 ng hapon sa Pool A, na susundan ng bakbakan ng Queen Anne School (QAS) at Team Nagcarlan Laguna (NCL) sa alas-5:30 ng hapon sa Pool D at MNHS-Antipolo City kontra Philippine Christian University sa alas-7 ng gabi sa pool B.
“Finally, the PNVF U-18 championships is here and we’re glad to announce that the reception’s very warm and enthusiastic,” wika ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara. “We believe that we’re going to find the best talents here in this newly-revived tournament.”
Dalawampung koponan ang sasabak sa girls’ section at 16 squads ang magbabakbakan sa boys division. May apat na pools sa bawat gender.
Ang mga laro ay gaganapin sa apat na magkakasunod na Biyernes, Sabado at Linggo, ayon kay competition director Oliver Mora, habang ang medal plays sa parehong genders ay nakatakda sa March 12.