BALIK na ang Filipinas sa roster ng International Volleyball Federation (FIVB) makaraang aprubahan ng mga miyembro nito ang affiliation ng Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) noong Linggo ng gabi.
May kabuuang 155 national federations mula sa possible 190 votes ang nag-apruba sa pagkilala ng FIVB sa PNVFI sa ikatlo at huling araw ng world congress ng international federation na isinagawa online.
Mula sa possible 190 votes, tatlo ang tumutol, 13 ang nag-abstain at 20 ang nagsabing hindi nila natanggap ang kata-nungan.
Hiniling din ng FIVB ang boto ng mga miyembro nito sa eleksiyon ng PNVFI noong nakaraang Enero 25 na pinangasiwaan ng Philippine Olympic Committee (POC).
“Do you recognize the elections of the PNVFI last January 25?” tanong ng FIVB sa mga miyembro nito.
Sa parehong agendum ay tinanong din ng FIVB ang desisyon ng house sa pagpapatalsik sa Philippine Volleyball Federa-tion bilang affiliate ng IF at nakakuha ng 138 yes votes, 16 no votes, 15 abstain at 22 ang nakatanggap ng katanungan.
Nagpapasalamat ang buong PNVF Board sa FIVB at sa lahat ng confederations para sa nag-uumapaw na suporta sa 37th Congress.
“We now proudly banner the honor and the responsibility of being affiliated to both the international federation and the Asian Volleyball Confederation (AVC),” sabi ni PNVFI president Ramon “Tats” Suzara.
Pinasalamatan din ni Suzara sina FIVB President Dr. Ary Graça at AVC President Rita Subowo para sa “inspiring quality of leadership.”
“Thank you to POC President Bambol Tolentino and Secretary General Edwin Gastanes for initiating an inclusive and unifying approach to the elections,” dagdag ni.
“Now, our work begins to fulfill our singular commitment to all stakeholders. At PNVF, we serve volleyball.”
Bukod kay Suzara, ang iba pang opisyal ng PNVFI ay sina Arnel Hajan (vice president), Ariel Paredes (chairman) Donaldo Caringal (secretary general), Rod Roque (treasurer), Yul Benosa (auditor) at board members Ricky Palou, Tony Boy Liao, Karl Chan, Charo Soriano, Carmela Gamboa, Fr. Vic Calvo at Atty. Wharton Chan.
Comments are closed.