LOLOBO ang bilang ng mahihirap na Filipino ngayong taon dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon sa World Bank.
“We can expect an increase in poverty rate,” wika ni World Bank senior economist in the Philippines Rong Qian.
“We did a simulation, only assuming two months of loss of income by the poor and vulnerable population, the poverty rate can increase by 3.3 percentage points in 2020,” sabi ni Qian.
Ayon sa World Bank economist, ang tinatayang 3.3 percentage points increase sa poverty rate ay makaraang ipalagay na wa-lang social protection measures.
“We know that the government has provided the SAP (social amelioration program) and wage subsidies,” aniya.
Gayunman, binigyang-diin niya na bahagya lamang mapupunan ng cash aid ng pamahalaan ang pagkawala ng kita sa quarantine periods.
“Because the economy is expected to contract we can expect the poverty rate to increase in 2020,” dagdag pa niya.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang poverty rate noong Disyembre 2019 ay bumaba sa 16.6% mula sa naunang record na 23.3% noong 2015.
Comments are closed.