POBRENG PINOY MABABAWASAN PA

TIWALA ang Asian Development Bank (ADB) na maibababa ng administrasyong Duterte ang poverty incidence rate sa bansa bago matapos ang termino nito sa 2022.

Ayon sa ADB, maganda ang mga programa ng pamahalaan na naglalayong mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Sinabi ni ADB Director General Ramesh Subramaniam na dahil sa ‘Build Build Build’ program ng gobyerno ay tumaas ng 34% ang ginagastos para sa pagpapatayo ng mga bagong imprastraktura kumpara sa nakalipas na dalawang taon.

Dahil dito, tiwala si Subramaniam na maaabot ng gobyerno ang 14% poverty incidence rate sa bansa pagdating ng taong 2022.

Nabatid na taong 2016 ay nasa mahigit 21% ang poverty incidence ng Pilipinas kung saan mahigit 10 milyong Pinoy ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Ang ADB ay tumutulong sa mga proyektong pang-imprastraktura ng bansa, tulad ng Mindanao Road Project, na magiging daan para magkaroon ng mga bagong oportunidad, maging sa mga bagong maliliit na negosyo.

Aniya, tinatahak ng gobyerno ang tamang daan tungo sa kaunlaran sa pamamagitan ng mga bagong imprastraktura.   VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.