BIBILI ang Philippine Olympic Committee (POC) ng COVID-19 vaccines sa kapasidad nito bilang isang private entity para sa mga miyembro ng Team Philippines sa Hanoi 31st Southeast Asian Games.
Inanunsiyo ito ni POC President at Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kahapon, ilang araw lamang makaraang payagan ng Malacanang ang mga pribadong kompanya na bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.
“This is good news for Filipino athletes who will be competing in the Hanoi SEA Games,” wika ni Tolentino. “Once they get inoculated, they can train with very little fear of getting infected.”
Ayon kay Tolentino, bibili ang POC ng bakuna sa pamamagitan ng $40,000 subsidy mula sa Olympic Council of Asia.
Nauna nang ipinangako ni ports tycoon Enrique Razon kay Tolentino ang Moderna vaccines para sa mga kinatawan ng bansa sa Tokyo Olympics.
Bumuo ang POC ng 626-athlete strong Team Philippines na sasabak sa 39 sa 40 sports na lalaruin sa Hanoi SEA Games. Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang numero at sinimulan na ang pagtalakay sa pondo ng delegasyon.
Inanunsiyo rin ni Tolentino ang appointment ni POC First Vice President Al Panlilio bilang chairman ng task force on Covid-19 vaccine procurement ng sports body.
“It would be up to the task force what brand and when to start the procurement process,” ani Tolentino. “Whichever is the first available vaccine that will be allowed for procurement, we will get. We cannot choose.”
Nakatakda ang SEA Games sa November 21hanggang December 2.
Ang mga bakuna mula kay Razon ay inaasahang darating sa huling linggo ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.
Tanging si men’s middleweight boxer Eumir Felix Marcial pa lamang ang nabakunahan sa Los Angeles, California, kung saan siya nagsasanay magmula pa noong October ng nakaraang taon sa Wild Card Gym ni Freddie Roach.
Ang iba pang Olympic qualifiers — boxers Carlo Paalam, Nesthy Petecioa at Irish Magno, gymnast Carlos Yulo at pole vaulter EJ Obiena— ay naghihintay pang mabakunahan.
Ikinatuwa naman ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, itinalagang chef de mission sa Vietnam SEA Games, ang kaganapan.
“This is really a very good news for Philippine sports,” aniya. CLYDE MARIANO
986404 409589Hey there! Wonderful stuff, please do tell us when you post once again something similar! 111771
83547 240340Some times its a discomfort in the ass to read what blog owners wrote but this internet internet site is really user genial ! . 889627