MAGIGING aktibo ang Philippine Olympic Committee (POC) executive board sa paghahanda ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games kasunod ng pagbibitiw ni Ricky Vargas bilang POC president.
Ayon kay POC board member lawyer Clint Aranas, ang Olympic council ang franchise-holder ng SEA Games at iba pang international tournaments tulad ng itinatakda ng SEA Games Federation Council, Olympic Council of Asia at ng International Olympic Committee.
Dahil dito, sinabi ni Aranas na sila dapat ang nangunguna sa paghahanda at ang organizing body na pinamumunuan ni Alan Peter Cayetano ay dapat gumanap bilang isang ad hoc committee lamang alinsunod sa rules and regulations ng POC.
“We will take a more active role,” wika ni Aranas, ang archery president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS).
“We have to take a more active role in organizing the SEA Games because that is the mandate of the Philippine Olympic Committee.”
Aniya, sa pamumuno ni Vargas, ang POC executive board ay naging outsider sa paghahanda ng bansa sa SEA Games.
Nahuli na rin umano ito sa iskedyul dahil halos limang buwan na lamang ay aarangkada na ang Games at magsisimula nang magdatingan ang mga atleta mula sa 10 iba pang bansa.
Comments are closed.