POC HOUSING PARA SA OLYMPIC MEDALISTS

POC HOUSING

HANDA na si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na lumipat sa kanyang bagong bahay habang ipagdiriwang nina fellow Olympic medalists Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial ang Pasko ngayong taon na magkakapitbahay.

Labis ang pasasalamat ni Diaz sa two-story house na ibinigay sa kanya ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino. Isa ito sa kanyang multi-million rewards sa pagwawagi ng kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.

“I am very grateful to Congressman Tolentino for this wonderful and blessed gift,” sabi ni Diaz, na ang mga magulang ay labis din ang katuwaan sa kanilang bagong bahay na nakatayo sa 220-square meter lot na may total floor area na 168 square meters.

Pagkatanggap ng susi ng bahay ay agad na itinuro ni Diaz ang bakuran sa kanang bahagi ng bahay bilang kanyang future home gym.

“This is where I’ll build my home gym,” sabi ni Diaz kayTolentino habang nililibot ang bahay sa loob ng  Isabel Heights sa Barangay Kay-bagal Central.

“I’ll keep the backyard as it is—that’s where we do the laundry.”

Samantala, kasa­lukuyan nang itinatayo sa Barangay San Jose ang bahay na regalo ni Tolentino kina silver medalists Petecio at Paalam and bronze medalist Marcial.

Ang konstruksiyon ay nagsimula isang araw bago isinagawa ng mga medalist, ni Tolentino at ni Senator Francis Tolentino ang ground breaking ceremony.

“This is a very previous gift,” sabi ni Petecio, na hindi napigilan ang kanyang emosyon at niyakap si Tolentino bilang pasasalamat.

4 thoughts on “POC HOUSING PARA SA OLYMPIC MEDALISTS”

  1. 888995 347663Employing writers exercises such as chunking. They use several websites that contain several creative writing exercises. Writers read an exercise, and do it. 52301

  2. 497464 241549Aw, this became an incredibly good post. In thought I would like to devote writing such as this moreover – taking time and actual effort to make a very great article but exactly what do I say I procrastinate alot and by no means find a approach to get something completed. 193367

Leave a Reply

Your email address will not be published.