POC TIWALANG BIBIGYANG PRAYORIDAD NG MARCOS ADMIN ANG SPORTS

POC-Philippine Southeast Asian Games

KUMPIYANSA ang Philippine Olympic Committee (POC) na magkakaroon ng prominenteng lugar ang sports sa administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.

“We are thankful to the new administration, to President Ferdinand Marcos Jr., for putting sports on a rightful platform in his administration,” pahayag ni POC President Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ilang sandali matapos ang inaugural speech ni Pangulong Marcos sa National Museum kahapon.

“The POC, and the whole of Philippine sports for that matter, is more hopeful now that our athletes will be given more priority and attention under President Marcos,” ani Tolentino.

Dalawampu’t limang atleta at coach sa wushu sepak takraw, jiu jitsu, judo, kurash, shooting, rowing at gymnastics ang nagmartsa sa military civic parade para sa oath-taking ni Marcos bilang ika-17 presidente ng Pilipinas.

“The athletes’ inclusion in the parade signals how serious President Marcos’s outlook on sports will be,” ani Tolentino. “Sports is a tried, tested and certified unifying factor among us Filipinos—time and again, we unite each time our athletes compete, and win, abroad.”

Nakipag-ugnayan ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagkakasama ng mga atleta sa parada na kinabibilangan ng key government installations, kabilang ang frontliners na nakipaglaban sa COVID-19 sa panahon ng pandemya.

Noong administrasyon ni dating Presidente Rodrigo Duterte, ang mga naiambag ng mga atleta ay laging ay kinikilala ng Palasyo sa pagkakaloob sa kanila ng mga insentibo.