BAGAMAT aminado si Sen. Grace Poe na natatakot sa kanyang kandidatura kahit patuloy ang pangunguna sa pitong nagdaang survey, naniniwala ang ilang political strategists na mahirap nang bakbakin ang senadora sa pagiging top-notcher sa halalan sa Mayo.
“You’re human, you feel flattered, and it’s very heartwarming that people continue to trust you. What I’m doing is I’m not being kampante about any of this,” saad ni Poe.
Ayon kay STORM Consultants strategist Perry Callanta, dapat na makampante na si Poe dahil mahirap siyang tibagin sa pangunguna sa midterm elections sa Mayo.
“Paano masisibak sa pagiging topnotcher si Poe kung malakas pa rin ang ‘FPJ Magic’ na kitang-kita sa pag-angat din ni Lito Lapid sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) sanhi ng kanyang papel sa seryeng ‘Ang Probinsyano’ sa ABS-CBN,” ani Callanta.
“Kung hindi lang bawal na ngayon, dapat naisip ni General ‘Bato’ dela Rosa na gumanap kahit extra lang siya sa seryeng pinagbidahan ni Coco Martin, ewan ko lang kung hindi siya umangat sa top 5 sa mga survey,” dagdag ni Callanta.
Iginiit naman ni NEXTGEN multimedia group managing director Albert Gamboa na mangunguna talaga si Poe sa mga survey dahil sa political will na ipinakita nito at sa pagkalinga sa mga bata.
“Ang paggiit niya na bawiin ng DOTr (Department of Transportation) ang P1 milyong multa sa mga kolorum na bus ay malaking bagay at sa paninindigan na manatili ang minimum age of criminal responsibility sa 15-anyos ay dapat lang talaga na maging top-notcher siya,” diin ni Gamboa.
Matatandaan na si Poe ang naging topnotcher noong 2013 senatorial elections sa pagtamo ng mahigit 20 milyong boto at posibleng maulit ito sa Mayo dahil sa patuloy na pangunguna sa mga survey.
Comments are closed.