‘POGI’ NANLABAN SA DRUG OPS NG PDEA-PNP TUMBA

DAVAO DEL SUR-DEAD on the spot ang isa sa mga itinuturing na most wanted ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region XI matapos ang inilunsad na antI- narcotics operation ng nasabing law enforcement agency katuwang ang Philippine National Police (PNP) kahapon ng umaga.

Napatay ng mga operatiba ng PDEA agent ang 42-anyos na si Genesis Ladiza, alyas Pogi.

Ayon sa PDEA XI, nasa ika-6 si Ladiza sa PDEA-PNP provincial target list, at high-value target No. 5 sa regional level.

Sinasabing nanlaban umano ang nasabing high value target sa buy-bust ng pinagsanib na PDEA- Davao del Sur, Malalag Municipal Police, at ibang units ng PNP sa Purok 2, Barangay Bolton.

Nabilihan umano ng pakete ng hinihinalang shabu si Ladiza na nagkakahalaga ng P10,000.
Pero nang mapansin nitong PDEA agent ang buyer, bumunot umano ng kanyang .38 na baril ang suspek, at pinaputukan ang PDEA agent.

Napilitan umanong dumepensa ang PDEA agent at nabaril si Ladiza sa dibdib. VERLIN RUIZ

3 thoughts on “‘POGI’ NANLABAN SA DRUG OPS NG PDEA-PNP TUMBA”

  1. 812655 387637An attention-grabbing dialogue is worth comment. I believe that it is finest to write extra on this topic, it wont be a taboo subject however normally individuals are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 189858

Comments are closed.