HINDI lang ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang may total ban sa Pilipinas, kundi maging ang internet gaming.
Bawal na rin ang iba pang offshore gaming activities.
Ang pagbabawal ay sa ilalim.ng inilabas na Executive Order No 74 series of 2024 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang pagbabawal ay upang malinis na ang Pilipinas sa mga krimen na nag-uugat sa karahasang nagaganap sa mga pasilidad ng mga ilegal na POGO.
Dahil sa mga nabulgar na umano’y human trafficking ay damay na ang lahat mg POGO hubs at apektado ang mga may disenteng trabaho sa loob.
Ang epekto nito ay malaki sa manggagawang Pinoy na maaaring makadagdag sa bilang ng mga walang hanapbuhay.
Subalit hindi natin masisisi ang pamahalaan, may nangyaring masama kaya dapat kumilos.
Kaya ang mga gumawa ng masama ang dapat kondenahin at hindi ang gobyerno.
Ngayon, maging ang sugal sa social media, damay rin ba?
Ang clamor ng netizen, dapat linawin ito.
Magsilbing aral sana ang nangyari sa mga illegal POGO, dahil sa una ay maganda ang layunin subalit inabuso kaya dapat nang kalusin.