POGO FINANCE OFFICER SA BAMBAN NASAKOTE

TARLAC – NASAKO­TE ng magkasanib puwersa ng Armed Forces of the Philippines, Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration ang umano’y finance officer ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa  Bamban.

Kinumpirma ng PAOCC ang pagkakada­kip sa kay  Pan Meishu, isang Chinese citizen at sinasabing tumatayong finance officer ng sinalakay na Zun Yuan Technology Inc., isang POGO hub na nagpapatakbo ng ilegal na operasyon noon sa Bamban, Tarlac.

Nahaharap si Meishu sa mga reklamong may kaugnayan sa umano’y human trafficking at paglabag sa mga immigration law ng bansa.

Ang operasyon ay isinasagawa sa bisa ng search warrant laban sa naturang firm.

Dahil pa rin ito sa mga naging ulat na sangkot ang naturang POGO firm sa isyu ng human trafficking at iba’t ibang ilegal na aktibidad online.

Nakuha rin sa pag-iingat nito ang dalawang sasakyan mula sa kanyang mamahaling villa na nakapangalan misyo sa kanya.

Nabatid na inilunsad ang manhunt at law enforcement operation ng PAOCC katuwang ang mga tauhan ng AFP nitong Huwebes.

Kakaharaping ni Meishu ang mga kasong inihain laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, gaya ng  human trafficking at money laundering, ani PAOCC Executive Director Gilbert Cruz.

VERLIN RUIZ