PATULOY ang isinasawang pagsisiyasat sa mga hinihinalang sangkot umano sa human trafficking, scamming at iba pang illegal na aktibidad sa Philippine offshore gaming operations hub na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad sa Bataan.
Ayon sa pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesman Winston Casio sa nagsagawa sila ng surveillance operations sa Central One Bataan matapos makatanggap ng tip kaugnay sa human trafficking activities.
“Nakatanggap kami ng mga report, complaints galing sa mga Pilipino na di umano meron human trafficking activities sa ilang sections ng Central 1 Bataan at may mga scamming activities din,” ani Casio.
“May mga surveillance videos kami. Fully coordinated din po ito, ” anito.
Matapos makakuha ng search warrant, nilusob ng PAOCC kasama ang PNP-CIDG at AFP ang compound sa Bagac.
“Meron itong lisensya sa authority of freeport of Bataan bilang business process outsourcing, kaya lang ang kanilang activites goes beyond back office, ‘di lang ito customer service,” ayon pa kay Casio.
“May mga tumatanggap ng pataya at nagpe-payout din sila,” dagdag pa nito.
Ang Central One Bataan ay nag-ooperate mula noong Enero 2023.
“May paglabag sila sa gaming regulatory policy sapagkat kapag magbibigay po sya ng permit sa offshore gaming or inland gaming kinakailangan may secondary permit galing sa PAGCOR,” anang opisyal.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Gaming Regulatory Policy at Anti-Trafficking in Persons Law ang pamunuan ng Central One Bataan.
“Dito sa Central One Bataan, ‘di bababa sa tatlo hanggang limang kaso kakaharapin nito. Di natin papayagan makalabas yung foreign nationals they will be subjected to immigration inquest on Monday. We will not grant them any bail,” sinabi pa ni Casio.
Inamin si Casio na ang POGO sa Bataan ay walang kaugnayan sa Lucky South 99.
“Wala kaming nakitang red flag in relation to (Guo) parang ibang organisasyon po ito. Alice Guo and Lucky South 99 belong to Chinese organization. Ito po, these are Malaysian criminal organization, ” ayon kay Casio.
EVELYN GARCIA