MAGPOPOKUS ang imbestigasyon ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa hub sa Porac, Pampanga, ayon kay Senador Win Gatchalian.
“We will focus on the Porac POGO hub because none of the owners came forward to explain,” pahayag ni Gatchalian sa isang panayam sa radyo.
Nang tanungin hinggil sa nationality ng mga nasa likod ng POGOs sa Porac, sinabi ng senador na may kinalaman dito ang Chinese syndicates.
“In the POGO hub we observed, there are Chinese syndicates behind it, foreign syndicates with Filipino partners. That’s the setup we found,” paliwanag ni Gatchalian.
Samantala, sinabi ng senador na maaaring maparusahan ng contempt si Bamban Mayor Alice Guo, na umano’y may koneksiyon sa POGOs, kapag hindi ito dumalo sa Senate hearing sa July 10.
Maaari rin aniyang mag-isyu ng warrant of arrest ang Senado laban kay Guo.
“They will be cited in contempt and arrested. The Senate can issue an arrest warrant for violating the subpoena and being cited in contempt,” wika ni Gatchalian, patungkol kay Guo at sa kanyang mga kapatid.
LIZA SORIANO