POGO NAG-DONATE NG P150M PARA SA ANTI-COVID EFFORT NG PH

Atty Margarita Gutierrez

AABOT sa P150 milyong halaga ng gamot, medical equipment, at pagkain ang ipinagkaloob ng Association of PAGCOR-Accredited POGO Service Providers sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corp.(PAGCOR) bilang kanilang inisyal na tulong para sa kam-panya ng pamahalaan na labanan ang COVID-19 pandemic.

Sa pahayag, sinabi ni Atty. Margarita Gutierrez, legal counsel at tagapagsalita ng asosasyon, bukod sa P150 milyong donasyon (150, 000 food packs na nagkakahalagang P60M at P90 M medical supplies at equipment), ilang myembro ng kanilang asosasyon ang nagbigay din ng financial assis-tance sa mga local government.

“Our members share in the distress and burden this global pandemic has been causing to the health and welfare of every Filipino. This is the reason why on their own, our members are doing everything they can to help the Philippine government and our LGUs. We know that there are many miscon-ceptions about our companies and we will endeavor to clarify any misunderstandings in the future. But right now, our priority is ending this pandemic and we will continue to do our part to help in any way we can,” ayon kay Gutierrez.

Dahil sa enhanced community quarantine na pinaiiral sa bansa, pansamantala ring ipinatigil ang mga operasyon ng POGO sa bansa. Siniguro naman ng asosasyon na nakahanda nilang paswelduhin ang mahigit 40, 000 Pinoy na nagtatrabaho sa mga POGO.

Sa  foreign workers naman ng POGO, mahigpit ang kautusan ng asosasyon na manatili sila sa kanilang mga tirahan. Pero aminado rin si Gutierrez na dahil sa pananatili sa mga bahay ng  POGO workers ilang mga community rin ang nagrereklamo.

“The sudden confinement to quarters of all these foreign workers has caused alarm to some local tenants of the condominium buildings because of the huge number of people in their buildings,” ani Gutierrez.

Pero agad daw nila itong inaksiyunan, katulad ng pagpapatupad ng “no guest policy” sa POGO workers, para maipatupad ang social distancing at mabawasan ang galaw ng kanilang mga empleyado.

Dagdag pa ni Gutierrez, mayroon din silang ipinapatupad na food delivery scheme para sa kanilang mga manggagawa para hindi na  kailangan pang lumabas ng kanilang tinutuluyan.

Comments are closed.