POKWANG TAGAPAGMANA NG KORONA SI MALIA

NAKIKINITA ni Pokwang na magiging entertainer ang bunso niyang anak na si Malia. Ani Pokwang, malaki ang posibilidad na sumunod ito sa kanyang mga yapak bilang artista at entertainer.

Tingin daw niya at natural entertainer si Tisay tot – tawag niya kay Malia – anak niya kay American actor Lee O’Brian. Mahilig umanong mag-perform si Malia at ang paborito pang gayahin ay si Lady Gaga. Favorite din umano ng kanyang anak si Sarah Geronimo, lalo na ang kanytang ‘Tala.’ Pati umano ang mga dance moves ay ginagaya din nito.

Hindi raw niya alam kung marunong itong umarte dahil napakabata pa ng kanyang anak, ngunit nakakaintindi na ito ng English at Filipino. Kapag fluent na raw ang bata sa mga lenggwaheng ito ay tuturuan din nila ito ng Spanish at Nihongo, dahil fluent sa Spanish ang asawa niya at siya naman ay fluent sa salitang Hapon.

“Pero stick muna kami sa English at Filipino dahil baka malito yung bata,” aniya.– KNMARTIN