POLICE ASSET IBINAON SA SEPTIC TANK

SEPTIC TANK

CAVITE – Kalansay na nang matagpuan sa ginagawang septic tank ang isang drug pusher na inakalang police asset kaya pinagtulungang patayin ng anim nitong kabaro kung saan naaresto naman ng mga opera­tiba ng pulisya sa isinagawang anti-drug operation sa Sitio Tambakan, Brgy. San Nicolas, Bacoor City.

Nahaharap sa kasong murder at paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na sina Jimmy Ecleo y Arcoles, Albert “Jimboy” Almojuela y Bartolay, Michael “Mike” Angelo Rana y Ramos, Randy Abulencia y Beronia, Alberto Diche y Bayoca, at si Arsenio Amante y Mondejar Jr., pawang nakatira sa Sitio Tambakan, Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.

Ayon pa sa pulisya na bukod sa pagiging drug courier ay mga holdaper at gun-for-hire killer ang mga suspek na may malawak na drug trade sa Cavite at karatig na lalawigan.

Samantala, kinilala lamang sa alyas buboy ang napatay na sinasabing inakalang police asset ng kanyang mga kabarong drug pusher sa nabanggit na barangay.

Base sa police report, lumilitaw na inilunsad ng pulisya at PDEA 4A ang anti-drug operation laban sa mga suspek kung saan nasabat ang P140k ha­laga ng shabu subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadiskubre rin ang kalansay ng biktima na ibinaon at sinimento sa septic tank para hindi sagabal sa kanilang drug trade.

Inamin naman ng lider na si Jimmy na pinatahimik nila si Buboy dahil sa nilalaman ng text messages sa cellphone kaugnay sa pagiging police asset nito habang isinailalim na sa drug test at physical examination ang mga suspek. MHAR BASCO