GOOD day, mga kapasada!
Lubos na ikinatuwa ng mga drayber na kukuha ng kanilang lisensiya ang naging pahayag ng Land Transportation Office (LTO) kamakailan na ‘di na kailangan ang police at National Bureau of Investigation (NBI) clearance sa pagkuha at pag-upgrade ng professional driver’s license.
Kinumpirma ito ni Atty. Clarence V. Guinto, LTO National Capital Region West Derector, sa pakikipanayam ni Jun Legaspi ng PT.
“Yes, our new system will connect from other government agencies like Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) kaya hindi na kailangan pa na pahirapan ang ating aplikante sa pagkuha ng driver’s license sa mga requirements tulad ng dati,” paglilinaw ni Guinto.
Samantala, ang naturang aksiyon ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Roderigo Duterte na huwag nang pahirapan pa ang publiko subalit mahigpit namang itinagubilin na dapat ipatupad ang mga patakaran (policy) na walangnilalabag na batas.
Ipinaliwanag pa ni Director Guinto na bilang pagtugon sa amended Citizen’s Charter ng LTO, ang mga kahingian(requirements) sa application o pag-upgrade ng PDL ay ang lumang non-professional driver’s license at Tax Identification Number.
Gayundin, sinabi ni Guinto na hindi dapat nagkaroon ng dalawang reckless traffic violations ang aplikante sa pagkuha ng driv-er’s license sa period ng validity ng kanyang lisensiya.
RESPONSIBILIDAD NG MAGULANG SA STUDENT DRIVER
Sa isyu pong ito, ating tatalakayin ang mahalagang papel na ginagampanan ng magulang sa kanyang student driver na anak.
May tungkulin ang mga magulang sa paglinang sa kanilang estudyanteng driver ng mga ligtas na pamamaraan sa pagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan, higit sa panahon ng kanilang pagsasanay na magpatakbo ng sasakyan sa daan sa unang pagkakataon.
Mahalaga ang itinuturo ng Driving School o ng pribadong instructor, subalit higit na mahalaga ang personal na pagpapayo at pag-subaybay ng isang magulang maging sa simula pa lamang ng kanyang pag-aaral ng pagmamaneho.
Ang mga mabubuting pangaral na laging naglalayong ng kanilang kaligtasan sa lahat ng oras ay nakapagpapataas ng morale.
Karaniwan sa ating mga kabataan ay mapupusok at sila ay sabik makasubok ng mga bagay-bagay na nakapagdudulot ng kasi-yahan o ‘thrill’, ika nga.
Subalit hindi naman kaila sa ating lahat na ang pagpapatakbo ng sasakyan ay kinakailangang paglaanan ng sapat na pagsasanay at wastong pag-iisip sapagkat ang munting pagkakamali ay maaaring magdulot ng kapahamakan.
Para sa mga magulang na marunong magmaneho, sikaping makasama sa sasakyan ang estudyanteng driver at turuan ng pamama-raan na ligtas ayon na rin sa ating sariling karanasan.
Sa panahong ito, maging modelo sa anak. Karaniwan ay ginagaya ang mga kilos ng magulang, iwasang nakainom o lasing habang kasama ito.
Maging maingat sa pagbibigay ng instruksiyon sa pamamagitan ng malinaw at mababang pananalita.
Kung sa hindi maiiwasang pagkakataon ay may naituro na paraan na hindi umaayon sa itinuturo ng kanyang pribadong instructor, makipag-ugnayan kaagad dito upang hindi malito at maantala ang pag-aaral ng student driver.
Paalalahanan natin sila sa kanilang mga responsibiliad bilang driver sa hinaharap at ating ipaliwanag ang maaaring idulot ng hindi pagsunod sa mga batas trapiko at sa mga itinakdang alituntunin sa pagmamaneho tulad halimbawa ng mga sumusunod:
- Pagbibigay ng sapat na distansiya sa sinusundang sasakyan.
- Pagbibigay ng daan sa driver na gustong mauna o mag-overtake, o ‘di kaya sa isang nagbabalak lumipat ng lane o sa panahon ng emergency.
- Pagsunod sa mga itinakdang ilaw ng trapiko at sa mga pulis-trapiko o ‘di kaya sa mga itinakdang speed limits.
- Paggamit ng signal ng ilaw ng sasakyan o ‘di kaya ng pag-signal sa kapwa driver sa pamamagitan ng kanyang kamay, at
- Pag-iwas ng pagmamaneho na lasing sa alak o ipinagbabawal na gamot.
Ikaw na magulang ng kabataang driver ang higit na nakaaalam kung handa na ang inyong anak upang mag-aral magmaneho sa pag-iisip at sa pangangatawsan.,
Isa sa kahingian ng LTO sa mga kabataang may gulang na mula 16 hanggang 18 ang nakasulat na pahintulot ng magulang bago may-aplay ng Student Driving Permit.
ANG TAONG TUMATAWID SA KALSADA (PEDESTRIAN)
May mabigat na responsibilidad ang mga driver sa mga taong tumatawid. Ang mga sumusunod ay maitutulong sa mga pedestrian:
- MGA BATA – Karaniwan sa mga bata lalo na ang mga naglalaro sa mga lansangan ay nakalilimot sa mga napipintong sakuna sa daan na maaaring idulot ng mga driver ng sasakyan.
Hindi nila iniisip ang peligro at kalimitan ay tumatakbo sila nang walang iniisip na disgrasya sa kanilang kapaligiran. Maging alerto sa kanila habang nagmamaneho.
- MGA MATATANDA – Kalimitan sa mga matatanda (senior citizen) ay mahina na ang pandinig at higit sa lahat ay mahina na ang kanilang reflexes (pagkilos). Maging alerto sa kanila habang nagmamaneho.
- MGA MAY KAPANSANAN (PWDs)_ Ang mga may kapansanan katulad ng bulag at pilay ay ibinibilang nating mga pedestrian. Tulad din ng mga taong naka-wheel chair na tumatawid sa daan. Bigyan natin sila ng higit na konsiderasyon at atensiyon.
Kapag may nakitang may ganitong kapansanan ay huwag silang businahan. Magbigay ng sapat na panahon na sila ay makatawid nang ligtas.
Comments are closed.