CAMP CRAME- NAGLULUKSA ngayon ang Philippine National Police (PNP) makaraang isa pa ang nasawi sa kanilang hanay makaraang dapuan ng COVID-19.
Kahapon ay inihayag ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar na ang bagong COVID-19 fatality ay 52-anyos nan aka-assign sa Zamboanga City.
Sa record ng PNP Health Service si 66 ay nagpositibo sa COVID-19 noong Mayo 1 at agad dinala sa ospital subalit noong Mayo 18 ay inilipat sa ICU dahil nahirapan itong huminga at na-intubate.
Makaraan ang 29 araw na confinement ay pumanaw ito.
“Nakakalungkot po na araw-araw ay may naiimpeksyon sa aming hanay, kaya naman patuloy po ang ating paalala sa mga pulis na magdoble ingat. Hindi lamang para sa kanilang pangsariling proteksyon kundi maging sa kanilang pamilya,” ayon kay Eleazar.
As of May 31, 2021, naitala ng PNP-HAS ang bagong 116 kaso kaya 23, 983 na tauhan ng PNP ang dinapuan ng sakit kung saan 1,850 lamang ang aktibong kaso. May bago ring gumaling na 73 kaya ang kabuuang recoveries sa police force ay nasa 22, 067 na. EUNICE CELARIO
458330 107713Some genuinely fascinating information, well written and broadly user pleasant. 12789
750643 883380Hi. Thank you for making this internet site . I m working on betting online niche and have discovered this site using search on bing . Is going to be certain to look much more of your content material . Gracias , see ya. :S 407317
525122 531824This sounds in a way inflammatory pending mecant wait for thisthank you! 334299