MAYNILA – TANGGAL na ang tatlong pulis na inireklamo ng pangingikil sa Ermita kasama ang kanilang station commander.
Sina PO1 Radam Manglicmot, PO1 Edmar Cayanan at PO1 Jeff-Pee Calaguas ng Anti-Crime Office ng MPD Station 5 ay mahaharap din sa mga kaso.
Bagaman sinabi ng mga suspek na walang kinalaman ang kanilang superior, sinibak din si MPD Station 5 Commander, Supt. Emerey Abating dahil sa command responsibility.
Ang pagkakasibak sa tatlo ay dahil sa impormasyon na galing sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may anim na babaeng drug suspect na hiningan ng P300,000 ng mga nagpakilalang PDEA agent kapalit ng kanilang kalayaan, ngunit nagkatawaran hanggang sa bumaba sa P50,000.
Ginawa ang entrapment operation ni MPD District Director Chief Supt. Rolando Anduyan.
Samantala, uminit naman ang ulo ni NCRPO Chief, Director Guillermo Eleazar at ‘pinitik’ sa mukha ang tatlong pulis. T. ARCENAL
Comments are closed.