(Police commanders pinakilos) MAS EPEKTIBONG QUARANTINE PROTOCOLS ILALATAG NG PNP

INALERTO ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang lahat ng police commanders sa buong bansa na magsagawa ng pag-aaral at maglatag ng mga makabagong hakbang hinggil sa banta ng mga eksperto na posibleng lumobo sa 20,000 ang COVID-19 cases sa bansa kada araw.

Ayon kay Eleazar, inatasan nito ang lahat ng police commanders na pag-aralan at repasu­hin sa mga umiiral na quarantine protocols at maglatag ng kaukulang hakbang kung paano mapigilan ang pagdami ng COVID-19.

Sinabi pa nito, ang pagtukoy sa mga dahilan ng mabilis na pagkalat ng corona­virus ang isa sa mga dapat silipin ng mga local commander upang makapaglatag ng kaukulang pagbabago sa pagpapatupad ng quarantine rules.

“Sa gitna ng babala ng mga eksperto na lalo pang tataas ang mga kaso ng COVID-19, inatasan ko na ang           ating Joint Task Force COVID Shield at ang aming mga police commanders to coordinate with the LGUs in order to conduct assessments of existing protocols and draw up security adjustments in the interest of public health and safety,” ani Eleazar.

“I also instructed the Joint Task Force COVID Shield to identify the best practices in some Local Government Units (LGUs) that could be replicated in areas with high COVID cases,” dagdag pa nito.

Magugunitang nag­babala ang Octa Re­search Group na maaring pumalo ang COVID-19 cases sa bansa hanggang 60 na kaso kada araw kung hindi magsasagawa ng kaukulang hakbang ang mga ahensiya ng gob­yerno at ang mamamayan mismo.

“Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID ay patuloy din ang pagdami ng mga lumalabag sa mga alituntuning pagkaligtasan na inilatag ng      ating pamahalaan,”diin ni Eleazar.

Giit pa ng PNP Chief, “Naniniwala ang inyong PNP na ang first line of defense sa COVID-19 ay ang pagsasa-isip at pagsasa-puso ng determinasyon ng bawat isa sa atin na hindi tayo mahawa at ang ating mga pamilya sa nakakamatay na virus na ito. The enforcement part involving the PNP is an added layer of defense against those who continue to defy the quarantine rules.”

Nagbabala ang OCTA Research Group, isang indepenyenteng organisasyon ng mga eksperto na nag-aaral sa estado ng COVID-19 sa bansa na posibleng pumalo sa 20,000 kada araw ang maitatalang kaso.

Sa kasaluku­yan, may kabuuang 1,869,691 naitalang kaso ang Pilipinas kung saan 127,703 dito ang aktibo. VERLIN RUIZ

8 thoughts on “(Police commanders pinakilos) MAS EPEKTIBONG QUARANTINE PROTOCOLS ILALATAG NG PNP”

  1. 242739 220984Also, weblog regularly and with fascinating material to keep individuals interested in coming back and checking for updates. 21977

Comments are closed.